Isang ramen shop sa Yunlin, Taiwan ang naglabas ng pinakabagong uri ng ramen sa kanilang menu, ang Frog Ramen!
Nag-viral kamakailan ang Facebook post ng ramen shop na “Yuan Ramen”, matapos silang magpa-survey sa kanilang mga suking customers kung ano ang magandang ipangalan sa pinakabagong ramen sa kanilang menu. Kalakip ng FB post ay litrato ng isang ramen bowl na may toppings na isang buong palaka!
Sa panayam sa may-ari ng Yuan Ramen, sinabi nito matagal na niyang nais maglabas ng limited edition exotic ramen sa kanilang shop. Palaka ang ginawang toppings nito dahil pangkaraniwan na ang pagkain ng palaka sa mga taga Yunlin, Taiwan.
Pero para pag-usapan at maging viral sa internet ang kanyang bagong menu, naisipan niya na isang buong palaka ang ilagay sa bawat serving nito. Ayon sa description sa menu, ang isang bowl nito ay may fish based soup, classic ramen noodles, clams, green onions at 200 grams whole unpeeled, uncut frog.
Dahil limited edtion ito, mabibili lamang ito tuwing Tuesday at Wednesday ng gabi. Nagkakahalaga ng 250 Taiwan dollars (katumbas ng P450) ang isang mangkok at kung takot kumain nito ngunit gusto lamang itong kuhanan ng litrato para gawing content sa social media, maaaring magpapicture dito sa halagang 100 Taiwan dollars (P182).
Matapos ang pa-survey sa Facebook, napagdesisyunan ng may-ari ng shop na “Frog Frog Frog Ramen” ang itawag dito. Dahil pumatok ito sa mga customers, pinag-iisipan na ng may-ari ng shop na gawin na itong bahagi ng kanyang regular menu.