Base sa pag-aaral ng mga siyentipiko, ang mga sumusunod na habits ay malaking tulong upang madagdagan ang ilalagi mo rito sa mundo:
22. Magsagawa ng stretching and flexibility exercises upang ang mga ugat at kasu-kasuan ay mabanat tungo sa pagtibay ng mga ito.
23. Mabuhay para sa isang pangarap. Yung pangarap na iyon na gusto mong maabot ang magiging inspirasyon mo para hangarin mong mabuhay ka pa ng matagal.
24. Think positive…lagi.
25. Kung nakakapagod sa iyo ang pagtakbo, gawin mo ang brisk walking.
26. Mag-volunteer sa mga makabuluhang proyekto na naglalayong makatulong sa mga nangangailangan. O, proyektong may kinalaman sa pagpapaganda ng kapaligiran.
27. Have sex.
28. Pangalagaan ang ngipin.
29. Iwasan o bawasan ang pag-inom ng softdrinks.
30. Umibig, magpakasal.
31. Ugaliing magpasalamat.
32. Maging matakaw sa tubig, hindi sa pagkain.
33. Magpasyal, magbiyahe sa mga lugar na hindi mo pa nararating para hindi ka nauubusan ng “excitement” sa buhay.
34. Magpahinga, magbakasyon.
35. Mag-alaga ng hayop.
36. Eat cleanly: walang chemicals, walang maraming asukal.
37. Kung mahilig ka sa pet pero hindi ka makapag-alaga dahil sa anupaman kadahilanan, manood ka na lang ng dog/cat/bird videos. May positive impact pa rin ito sa kalusugan bilang pet therapy. (Itutuloy)