Haliling ipadyak ang dalawang paa ng 300 times araw-araw. Ito ay nakapagpapababa ng high blood pressure; nakakahimbing ng pagtulog at tinutulungang magtrabaho nang maayos ang iyong kidney.
Uminom ng fresh buko juice araw-araw. Nakakabawas ito ng timbang, nagtatanggal ng menstrual cramps at mainam sa puso.
Ang dark chocolate ay nagtataas ng level ng serotonin na itinuturing na happy hormones.
Nakatatanggal ng acne, dark spot at sobrang oil sa mukha: Maghilamos muna. Pahiran ng honey ang mukha. Mag-slice ng kamatis at ito ang ipahid sa mukha sa loob ng 5 minuto.
Benepisyo ng paglalakad ng 10,000 steps: weight loss, heart health, bumababa ang tsansa na ma-stroke, nagpapababa ng blood pressure, nagpapaganda ng mood, binabawasan ang paglala ng varicose veins, nagpapabilis ng digestion at nakakaiwas na magkaroon ng disability kapag matanda na.
Umupo. Itaas ang kaliwang braso, saka tapikin o tampalin ng kanang kamay ang kilikili ng 36 times. Ganoon din ang gawin sa kanang kilikili. Kung gagawin ito araw-araw, gaganda ang kalagayan ng puso at magiging mahimbing ang tulog.
Tampalin ang noo ng palad sa loob ng limang minuto. Benepisyong makukuha: magdudulot ng inspirasyon upang maging malikhain, matatanggal ang wrinkles, malulunasan ang sipon at rhinitis.