Pantanggal ng hangover  

BAWAT bansa ay may paraan para tanggalin ang hangover:

Rome

Malakas uminom ang mga Romans at Greeks. Kaya sapul pa noong unang panahon ay kung anu-ano na ang mga sinubukan nilang paraan upang matanggal ang masamang pakiramdam dulot ng pagkalasing nang nagdaang gabi.

Ilan sa paraan na ginagawa nila ay ang pagdurog sa ulo ng kuhol at ito ang ipinapahid sa ulong kumikirot. Ang iba naman ay mas type ang paghuli ng maliit na ibon at saka kakatayin. Ipiprito ito nang buo at iyon ang kakainin

Eastern Europe

Ang epektibong pantanggal nila ng hangover ay paghigop ng mainit na nilagang goto na hinaluan lang ng asin.

Japan

Marami ang sumusumpang magaling raw sa hangover ang dried-pickled apricot or umeboshi.  Doble pa ang benefit ng pagkaing ito, nagpapabagal ito ng pagtanda. May nagsasabi naman na mas epektibo ang paghigop ng sinabawang tulya o anumang shellfish.

Sicily

Ang pagkain ng daing na penis ng toro ang nakakatanggal ng hangover. Mainam itong kainin dahil mataas sa protina, minerals at vitamins.

United States

Prairie oyster ang iniinom kinaumagahan pagkaraan ng magdamag na inuman. Ito ay pinaghalu-halong hilaw na itlog, Worcestershire sauce, isang shot ng alak (optional), Tabasco sauce, suka, asin at paminta. Kailangang inumin nang “straight” ang mixture. Susundan ito ng pag-inom ng isang basong tubig upang maiwasan ang dehydration. Prairie oyster ang tawag kahit walang oyster dahil sa orihinal na recipe ay gumagamit ng oyster ngunit tinanggal ito at hinalinhan ng itlog.

(Itutuloy)

Show comments