Kuwento ng mga ­imbentor at kanilang ­inimbento (Last part)

• Si Mikhail Kalishnikov ang inventor ng baril na AK-47, ang nagsabing pinagsisisihan ang pagkakaimbento nito. Sana raw ay isang makina ang kanyang inimbento na makakatulong upang maging mapabilis ang trabaho ng mga magsasaka sa bukid.

• Si Thomas Jefferson ang nakaimbento ng swivel chair. Ang pinakaunang swivel chair na ginawa ay inupuan niya habang sinusulat ang Declaration of Independence.

• Si Robert Taylor ang imbentor ng liquid soap na nasa pump-bottle. Nag-aalala siyang gayahin ng malalaking manufacturer kagaya ng Colgate ang kanyang imbensiyon. Para makaseguro na hindi siya magagaya, binili niya ang lahat ng small bottle hand-pump na available sa buong U.S. na may 100 milyong piraso. Isang taon niya sinarili ang pagbebenta ng soap-in-a-pump-bottle (Soft soap). Sikat na siya nang gayahin siya ng mga manufacturers.

• Ang imbentor ng FM radio na si Edwin Armstrong ay nagpakamatay dulot ng pambu-bully at paninira ng malalaking korporasyon na nag-aagawan kung sino ang makakakuha ng right sa FM radio.

• Ang imbentor ng LASER ay gumugol ng 38 years of legal battle upang mapasakanya ang karapatang i-patent ang LASER technology na pinaghirapan niyang mabuo.

Show comments