Fatty Fish: Ang mga isdang mayaman sa Omega- 3 fatty acids at vitamin D ay salmon, mackerel, tuna, tambakol or bariles, tanigue, hulyasan, turay, tamban, tawilis, salinyasi at dilis. Mas mainam na ang luto ay pasingaw o sinaing. Iwasang iprito ang mga nabanggit na isda.
Bawang: May anti-inflammatory property na nagpapababa ng tsansa na magkaroon ng osteoarthritis. Hiwain ng maninipis ang bawang at iprito sa corn oil hanggang lumutong. Lagyan ng kaunting asin. Kainin na parang mani.
Luya: Mas mainam gawing salabat ang sariwa kaysa powder.
Broccoli: May sulforaphane na pumipigil para mamaga ang kalamnan at kasu-kasuan.
Walnuts: Isa sa mga pagkaing mayaman sa Omega-3 fatty acids.
Spinach: Mayaman sa antioxidants kagaya kaempferol na pumipigil sa pamamaga ng kalamnan at kasu-kasuan.
Ubas: Huwag tatanggalin ang balat kung ito ay kinakain dahil narito ang resveratrol na nagpapahupa ng pamamaga ng kasu-kasuan.
Olive oil: Taglay ang anti-inflammatory properties para hindi sumumpong ang arthritis.
Luyang Dilaw: May cucumin compound na pumipigl para maiwasan ang pananakit ng kasu-kasuan.
Prutas na mayaman sa vitamin C: Kagaya ng pinya, melon, strawberries, kiwi. Mas mainam na kuhanin ang vitamin C sa katas ng prutas kaysa umasa lang sa supplement. Sakit sa kidney ang resulta ng over dosage ng vitamin C pills. Naiiwasan ang pamamaga ng tuhod kapag sapat ang vitamin C sa katawan.