1. Mabilis kumain.
2. Kaunting uminom ng tubig.
3. Laging nakaupo.
4. Laging puyat.
5. Walang time para magpahinga. Walang pahinga equals stress. At ang stress ay nagpapalaki ng belly fat.
6. Kumakain sa malalaking pinggan. Kung malaki, ang tendency ay lagyan ng maraming pagkain.
7. Pinagsasabay ang pagkain at panonood ng TV. Ang resulta ng ganitong habit ay lumalaki ang kain. Palibhasa ay abala ang iyong utak sa panonood, hindi gumagana ang signal na busog na siya.
8. Sa halip na tubig, soda ang iniinom kapag nauuhaw.
9. Kulang sa protina ang kinakain. Pagkaing mayaman sa protina ay mabilis magpabusog kahit kakaunti pa lang ang nakakain.
10. Kulang sa fiber ang kinakain. Kung mayaman sa fibers ang kinakain, matagal makaramdam ng gutom.
11. Tamad maglakad. Sa halip maghagdanan, gumagamit ng elevator.
12. Kumakain ng maraming healthy fats kagaya ng avocado, olive oil at coconut oil. Kahit heathy fats, nakakataba rin ito kapag napasobra.
13.Laging umiinom ng milky coffee na mataas ang calories.
14. Mahilig kumain ng salad na may mayonnaise dressing.
15. Wala sa tamang oras ang pagkain ng agahan, tanghalian at hapunan. Dapat ay tama sa oras ang pagkain ng meal upang hindi magulo ang internal clock. Kung naguguluhan ang internal clock, ang naaapektuhan ay metabolism, digestion at appetite.