• Sa halip na uminom ng Paracetamol, kumain ng green apple upang hindi lumala ang sakit na nararamdaman. Base sa pag-aaral na ginawa ng The Smell & Taste Treatment and Research Foundation sa U.S., may kinalaman ang mabangong amoy ng mansanas at kulay nitong berde para ma-relax ang utak at makalimutan ang sakit na nadadama.
• Payo ng microbiologists mula sa University Of Arizona, ibaba muna ang takip ng toilet bowl bago mag-flush. Kung hindi, ang E. Coli at iba pang bacteria ay lulutang sa ere ng ilang oras at maglalanding sa mga sepilyo, towel at toiletries na ginagamit ninyo sa paliligo.
• Sa pag-aaral na isinagawa ng mga researchers mula sa Germany, mas effective gawing ingredient sa hand sanitizer ang lemon grass at cinnamon oil dahil kaya nitong patayin ang Staphylococcus aureus. Maglaga ng lemongrass at cinnamon bark at ito ang gawing panghugas ng kamay.
• Uminom muna ng kape saka umidlip ng 20 minutes. Natuklasan ng mga Japanese na ang ganitong paraan ay lalong nakakapagpasigla ng utak pagkagising mula sa pagkakaidlip.
• Para mag-improved ang boyfriend-girlfriend relationship, bawasan ang araw ng pagkikita. Ito rekomenda ni Elizabeth Lombardo, Ph.D., author of Better Than Perfect: 7 Strategies to Crush Your Inner Critic and Create a Life You Love. Kapag nag-iisa raw ang tao, nasasanay siyang mag-isip muna bago gumawa ng isang bagay. Ang tendency ng laging magkasama, nagiging pabigla-bigla siya ng desisyon, dahil hindi makapag-concentrate.