ANG Huffington Post, isang American online news ay nag-interbyu ng ilang centenarians (100 years old o higit pa) at ito ang nakalap nilang mga payo upang magkaroon ng “long, happy and healthy life”:
66. Sa paggamit ng social media: Kung ang isang bagay ay ikahihiya mong ipagsigawan nang personal sa harap ng maraming tao, huwag mo itong i-post sa social media. Ang kagandahang asal na ginagawa mo kapag nasa harap ng publiko ay dapat din iaplay kapag gumagamit ng internet.
67. Mga tanga lamang ang umuubos sa kanilang pinaghirapang suweldo. Huwag maging tanga.
68. Kapag ang pinili mo ay mabuting esposa, mamatay kang maligaya. Ngunit kung ang pinakasalan ay butangera, lumalawak ang kaalaman mo sa pilosopiya.
69. Ikinakatwiran ko sa aking mga manugang at anak sa isyu na nang-iispoyl daw ako ng aking mga apo: I don’t spoil them, I’m just very accommodating.
70. Extra care sa mga tuhod at balakang. Laging ito ang nagkakaroon ng injury.
71. Iwasang magpataba. Mahirap magbawas ng timbang kapag matanda na.
72. Laging magbasa.
73. Iwasang maging mapanghusga. Ito ang dahilan kaya bigo kang magkaroon ng maraming kaibigan.
74. Maling sabihin na ang pag-aasawa ay 50:50. Ang tama ay 100:100. Bakit pa kayo nagpakasal kung hindi mo ibibigay nang buong-buo ang iyong buhay sa iyong asawa.
75. Kung ikaw ay sadyang mataba at wala ka nang magawa, makipagkaibigan ka sa matataba para masaya lang ang buhay mo. Kung walang seksing kaibigan, wala kayong kaiinggitan.
76. Sa mga babaeng kulang sa pansin: Magsuot ng pula.
78. Laging makipaglaro sa mga toddlers na apo. Sila ang pinakamagaling na komedyante. Makakapagpatawa sa iyo ng walang ka-effort-effort.
79. Pahalagahan ang mga tunay na kaibigan. Sila ang susuporta sa atin, pangalawa sa ating pamilya. Kung minsan, mas mabuti pa sila sa ating pamilya.
80. Hindi pa huli ang lahat para matuto — gumamit ng cell phone, computer, internet, musical instrument, etc.
(Itutuloy)