Sari-saring household tips (Part 6)

• Para matanggal ang anghang sa bibig, magsubo ng asin, ngunit huwag lulunukin. Pagkaraan ng five minutes, idura ang asin saka magmumog ng tubig.

• Kapag napuwing ng alikabok, pumikit, tapos umubo nang ilang beses. Kusa nang matatanggal ang puwing.

• Agad sabunan ang kagat ng lamok upang hindi mangati.

• Kung nahihirapang balatan ang kastanyas, sandali itong painitan sa microwave oven.

• Hindi makatulog? Hugasan ang paa ng maligamgam na tubig na may halong kaun­ting suka.

•  Ilagay sa singaw ng bibig ang dinikdik na tabletas ng Vitamin C or Vitamin B2.

• Kung gusto mong mabilis na lumaki ang halaman, tubig na may tsaa ang ipandilig dito.

• Mahirap maglagay ng eye drop kung kisap ka nang kisap. Ibuka ang bibig upang tumigil ang pagkisap ng mata.

• Maglagay ng chalk sa jewelry box upang manatiling makintab ang alahas.

• Subukan mong mamili sa ukay-ukay store na malayo sa sakayan at hindi masyadong “puntahin” ng tao dahil “nakatago” ang tindahan. Doon ka makakakuha ng mga gamit at damit na magaganda.

 

Show comments