• Dahil binabawasan mo na ang quantity ng iyong kinakain, may pakiramdam ka na ikaw ay “bitin” o gutom pa pagkatapos ng meal. Kapag nakaramdam na parang nagugutom ka pa, kumain ng one-fourth cup nuts o kaya ay isang itlog para magkaroon ng satisfaction.
• Kumain lang sa dining area upang nakapokus lang ang iyong isip sa iyong kinakain. Kung concentrated ka sa iyong pagkain, psychologically, mabilis kang mabusog at may tendency na bumaba ng 27 percent ang pagkaing isusubo sa bibig.
• Kaunti lang ang pagkaing ihain sa serving plate. Ang kaldero ng ulam at kanin ay ilagay sa kitchen. Kung malayo ang kinalalagyan ng kaldero, tatamarin kang tumayo at kumuha ng second serving kapag naubos na ang kanin at ulam na nakahain sa mesa. Ang nakahaing prutas na lang ang iyong kakainin upang mabusog.
• Tumayo kaagad pagkatapos kumain at maglakad ng 30 minutes. Ang payong ito ay para sa nagda-diet. May naisulat ako noon na masamang maglakad pagkatapos kumain. Iyon ay bawal sa mga hindi nagda-diet na ang tiyan ay bundat na bundat sa sobrang kabusugan.
• Ito ay para sa mga sosyal na umoorder ng “diet food” sa special caterer. Ang mga dieters ay mabilis magsawa sa mga diet foods na matabang. Ang nangyayari tuloy, sa kahahanap ng “lasa” ay napapalaki ang kanilang kain. Kung natatabangan sa diet foods, kumain muna ng apat na subo tapos tumigil sa pagkain. Then after few minutes, sumubo ulit. Sa ganitong paraan, sinasanay mo ang iyong taste buds at nagkakaroon ng lasa ang iyong kinakain.
• Kumain ng one-fourth cup na walnut araw-araw sa oras ng miryenda. Ang walnut ay mabilis makatunaw ng body fats dahil mayaman ito sa omega-3 fatty acids.