NOON ay maraming aplikanteng nakapila dahil naghahanap ang philosopher na si Socrates ng kanyang magiging disipulo.
Ang mapipili niya ay kanyang sasanayin para maging philosopher na kagaya niya.
Isang klase ng pagsubok ang ibinibigay ng gurong si Socrates sa mga aplikante:
Pinapupunta niya isa-isa ang aplikante sa ilog. Kailangang tumitig siya sa tubig ng ilang minuto.
Pagbalik niya kay Socrates, kailangang sabihin niya kung ano ang nakita niya sa tubig. Ganoon lang kasimple.
Sa 100 aplikante, kalahati lang ang nakapasa.
Ano ang isinagot ng mga nakapasa?
Noong sila ay nasa ilog na at tumitig sa tubig, ang nakita nila ay mga naglalanguyang isda.
Iyon lang ang kanilang isinagot at nalaman nilang sila ay nakapasa.
Ano naman ang isinagot ng iba na hindi nakapasa?
Ang nakita nila sa tubig ay ang kanilang repleksiyon…ang sarili nilang pagmumukha.
Ayon kay Socrates, kapag sarili mo lang ang nakita mo sa tubig, ito ay indikasyon ng pagiging makasarili. At hindi niya kailangan ang mga ganoong klaseng estudyante.
The greatest conflicts are not between two people but between one person and himself.—Garth Brooks