• Hawakan ang wallet or handbag sa kaliwang kamay para mabilis mong maikikilos ang iyong kanang kamay kapag kailangang makipagkamay.
• Ang power seat sa limousine ay sa likuran, bandang kanan. Iyon ang ilalaan para sa iyong boss “or whomever is the person of prominence or honor.”
• Kung ituturo mo ang isang tao, gamitin ang buong kamay na nakabuka, huwag ang hintuturo.
• Huwag magsuklay habang nasa harapan ng dining table sa restaurant. Gawin ang pagpapaganda sa rest room.
• Kung magpapakain ng mga kaibigan sa inyong bahay at ikaw ay nagda-diet: Ang diet plans ay sa iyo lamang. Huwag mo silang idamay. Maghain ng pagkain na alam mong lahat ng iyong bisita ay masisiyahan.
• Kung inimbita kayong mag-anak sa bahay ng kaibigan at alam mong walang maid, tumulong ka sa pagliligpit lalo na kung nagkalat ang iyong mga anak.
• Huwag makipag-break sa karelasyon sa text.
• Kung inimbitahan ka sa isang party, hindi dapat magsama ng mga taong hindi kasama sa imbitasyon.
• Sa party pa rin: Kung hindi ka kumakain ng pagkaing iniaalok sa iyo ng host, huwag tumanggi, kumuha na kaunti at tikman ito.
• Kung ikaw ay nagda-diet at marami kang arte sa pagkain: Mas mabuting tanggihan ang imbitasyon sa dinner party. Mainam na ito kaysa pupunta ka sa party pero makikita naman ng host na hindi ka kumakain. (Itutuloy)