SA mga South American countries tulad ng Peru, Bolivia at Ecuador, normal na sa mga tao roon na gamitin ang karne ng Guinea Pig bilang sangkap sa kanilang mga tradisyonal na putahe.
Kaya may isang ice cream shop sa Quito, Ecuador ang nakaisip na gumawa ng ice cream na ang flavor ay Guinea Pig!
Ayon sa may-ari ng ice cream shop na si María del Carmen Pilapaña, naisipan niya na gawin ang kakaibang flavor na ito nang mapansin niya na matumal ang benta ng mga normal na ice cream flavor na kanyang tinitinda.
Pinaghalong pinaglagaan ng guinea pig meat at katas ng passion fruit ang base ng ice cream ni Maria. Inabot siya ng isang buwan bago nakuha ang tamang timpla ng recipe nito.
Sa una ay nagduda ang kanyang mga kamag-anak kung may bibili ng ice cream ni Maria. Pero nang kumalat sa mga taga-Quito ang tungkol sa kakaibang flavor na ito, nagkaroon nang mahabang pila sa kanyang ice cream shop at nakakabenta siya ng mahigit 200 cones sa isang araw.
Binebenta niya sa halagang $1 per cone o $12 per liter ang Guinea Pig ice cream.
Dahil sa success ng kanyang flavor, plano ni Maria na mag-imbento pa ng mga kakaibang flavor sa mga darating na araw.