Tips para maging epektib ang pag-inom ng tsaa

MARAMING benepisyo ang makukuha sa pag-inom ng tsaa. Nagpaparelaks ng isipan, nagtatanggal ng init ng katawan at higit sa lahat nagpapababa ng timbang. Pero paano natin makukuha ang maximum health benefit ng tsaa?

1. Inumin habang mainit. Pagkaraang pakuluan  ang tsaa, nababawasan ang sustansiya nito habang lumalamig.

2. Huwag magtimpla ng matapang na tsaa. Ang tamang timpla ay 4 grams na tsaa sa isang tasang tubig. Huwag sosobra sa tatlong tasang tsaa ang iinumin sa maghapon. Sakit ng tiyan at insomnia ang epekto ng sobrang pag-inom ng tsaa.

3. Ang ideal time ng pag-inom ng tsaa ay dalawang oras bago o pagkatapos kumain para makuha ang health benefits nito.

4. Iwasang uminom ng green tea sa umaga na walang laman ang tiyan. Magiging dahilan upang lumabas ang gastric acid na magpapasakit ng tiyan o pagmulan ng ulcer.

5. Huwag uminom ng tsaa kasabay ng medicine na regular mong iniinom. Ang tannin ng tsaa ay nagpapabawas ng medical effect sa inyong katawan. Magtanong sa doktor kung ilang oras dapat ang palalampasin bago uminom ng tsaa.

Show comments