MARAMING celebrities ang may problema sa pagtulog. Sa lahat pa naman ng bagay, ang mahimbing na pagtulog ang hindi puwedeng bilhin ng kahit anong yaman sa mundo. Narito ang weird na pamamaraan nila para dalawin sila ng antok:
W.C. Fields (artista): Bumili siya ng barber’s chair at doon humihilata with matching barber’s towel para antukin. Pero kung grabe na ang insomnia, tumutulog siya sa ilalim ng beach umbrella na may tumutulong tubig mula garden hose para sa rain effect.
Theodore Roosevelt (US President): Umiinom ng isang shot na cognac at susundan ng isang basong gatas.
Marlene Dietrich (artista ng silent movies): Nagpapaantok sa kanya ang sandwich na may palamang sardinas na may sibuyas.
Tallulah Bankhead (sikat na artista noong 30’s): Nagha-hire ng bakla para hawakan ang kanyang kamay hanggang sa siya ay makatulog. Walang paliwanag kung bakit bakla ang gusto niyang maghawak ng kanyang kamay. Babae si Tallulah.
Amy Lowell (poet): Umuupa ng limang room sa hotel. Sa isang room lang siya tutulog. Binabayaran niya ang mga katabing room para walang umokupa at makaseguro siyang tahimik ang kanyang paligid.
Leonardo Da Vinci (painter/sculptor): Umiidlip nang putol-putol sa araw sa halip na matulog sa gabi. Ito ang dahilan kaya marami siyang sinimulang mga projects na hindi natapos dahil sa irregular schedule niya sa pagtulog.
Charles Dickens (writer): Hango sa Feng Shui ang kanyang ginagawa. Ang ulunan ng kanyang higaan ay dapat na nakaturo sa north para siya makatulog.