ISANG lalaki sa India na marami nang naitalang world record ang nagdagdag pa ng isa nang ubusin ang isang bote ng ketchup sa pamamagitan ng straw.
Kinailangan ubusin ng taga-Mumbai na si Dinesh Shivnath Upadhyaya ang 95% ng kabuuang laman ng isang bote ng ketchup sa napa-kaikling oras upang madagdagan pa ang listahan ng kanyang mga world record.
Tagumpay naman si Upadhyaya nang magawa niyang ubusin ang laman ng isang 14 ounce na bote ng ketchup gamit ang straw sa loob lamang ng 25.37 segundo.
Ilan lang sa mga world record na naitala ni Upadhyaya ang pinakamaraming ubas na nakain sa loob ng tatlong minuto at pinakamaraming oranges na nabalatan at nakain sa loob ng tatlong minuto.