SI Lionel Andres Messi o mas kilala sa tawag na Messi ay sikat na Argentinian soccer player. Itinuturing siyang “greatest soccer players of our time”. Siya rin ang “highest earning footballer in the world”. Naglalaro siya sa forward position para sa FC Barcelona at Argentina national team.
Taga-Argentina pala siya pero bakit naglalaro siya para sa FC Barcelona Spain?
Limang taon pa lang ay nag-umpisa nang maglaro ng soccer si Lionel. Tatay niya ang nakadiskubre ng kanyang kahusayan sa paglalaro dahil coach ito ng local team sa kanilang bayan sa Rosario na nasa central Argentina.
Noong 1976, edad 11, natuklasang may growth hormone deficiency. Ano ang sakit na ito? Ito ay sakit na ang maaapektuhan ay ang kanyang paglaki. Hihinto ang kanyang pagtangkad at malamang na manatiling pandak. Ito pala ang dahilan kung bakit siya ang pinakapandak sa mga kaedad niyang grade school teammates.
Mahirap lang ang kanyang pamilya at hindi kaya ang gastusin ng pagpapagamot. Kailangan siyang turukan ng gamot na nagkakahalaga ng $900 per month. Gusto sana siyang ikontrata ng sikat na national football club (FC) ng Argentina pero wala itong sapat na pondo para sagutin ang gamot ni Lionel kada buwan. Hinayang na hinayang ang buong pamilya. Pagkakataon na sanang makaahon sila sa hirap kung magiging player si Lionel ng national team. Napaluha noon si Lionel at naitanong niya sa sarili kung bakit kung sino pa ang mahirap, ay ito pa ang nagkaroon ng sakit na napakamahal ng gamot.
Palibhasa ay balita ang kahusayan sa paglalaro ng soccer, inalok siya ng sporting director ng FC Barcelona na maglaro para sa kanilang team. Bukod pa rito, sasagutin nila ang pagpapagamot kay Lionel. Pero sa isang kondisyon, sa Spain siya titira kasama ang kanyang ama. Pumayag kaagad ang pamilya Messi. Palibhasa ay mabilisan ang usapan, nagpirmahan lang sila sa isang tissue paper para lang maselyuhan ang kanilang kasunduan.
Pagkarating sa Spain, ini-enrol si Lionel sa club’s youth Academy, na kilala sa pag-training at nagpo-produce ng excellent footballers. Nalunasan ang growth hormone deficiency ni Messi at tumangkad siya hanggang 5’7. Edad 16 nang una siyang isinabak ng FC Barcelona. At sa edad na 25, si Messi ang pinakabatang player na naka-score ng 200.
.“Success is not final, failure is not fatal: it is the courage to continue that counts.” – Winston Churchill