Pinakamalaking pirma sa buong mundo, gamit ng nasa sa pag-testing ng mga camera nila sa kalawakan

DATING highway pat­rol sa Texas si Jimmie Luecke noong 1980 bago niya sinubukan ang kanyang suwerte sa oil business.

Nagkataong nag-boom noon ang oil industry dahilan upang siya ay maging milyonaryo.

Namili siya ng lupa kung saan nanginginain ng damo ang kanyang mga alagang baka.

Pagsapit ng 1990s, sob­rang dumami ang kanyang mga baka kaya pinagpuputol na niya ang mga puno na nasa kanyang mga lupain upang mapalawak pa ang nakalaang espasyo para sa mga ito.

Ngunit sa halip na putulin lahat ng puno ay nagpasya siyang magtira ng iilan na bubuo sa kanyang pangalan kung titingnan ito mula sa kalawakan.

Kaya naman simula noon ay ang pangalan na ni Luecke na binubuo ng mga puno ang kinikilala bilang pinakamalaking pirma sa buong mundo.

Aabot sa tatlong milya ang haba ng pangalan ni Leucke at bawat isang letra ay binubuo ng mga punong nasa libong talampakan ang taas.

Hindi lamang pang-world record ang higanteng pirma ni Luecke dahil ginagamit ito ng NASA upang testingin ang linaw ng kanilang mga camera.

Ayon sa mga astronaut, “perfect target’ daw ang pirma ni Luecke upang matantiya nila ang maximum resolution o ang sagad na linaw ng gamit nilang came­ra sa space shuttle.

 

Show comments