Dambuhalang balisong, matatagpuan sa Kentucky

ISANG lokal na tindahan ng iba’t ibang klaseng kutsilyo ang nagtayo ng isang atraksiyon upang matulungan ang turismo sa kanilang lugar.

Nagtayo ang Red Hill Cutlery ng isang dambuhalang pocket knife o balisong sa kanilang tindahan sa Radcliff, Kentucky. Sa laki nito, tinatayang higit sa tatlong tonelada ang bigat ng balisong.

Totoong balisong daw ang kanilang ginawa dahil natitiklop talaga ang patalim, ayon sa may ari ng Red Hill Cutlery na si Lonnie Basham.

Dagdag pa ni Basham na marami na raw ang dumarayo sa kanilang tindahan para lang makita ang dambuhala nilang balisong. Ang iba raw ay nanggagaling pa hindi lamang sa labas ng Radcliff kundi pati na rin sa labas ng Kentucky.

Ngayong Enero ay umaasa si Basham na kikilalanin na ang kanilang balisong na pinakamalaki sa buong mundo.

Show comments