Pinakamatandang perlas sa mundo, natagpuan sa Abu Dhabi

ISANG 8,000 taong gulang na perlas na ayon sa mga archaeologists ay pinakamatanda sa buong mundo ang idi-display sa Abu Dhabi.

Ayon sa mga awtoridad, tanda raw ito na kahit noon pa mang panahon ng bato ay marunong nang magkalakal ang mga sinaunang tao.

Natagpuan ang perlas sa Marawah Island kung saan matatagpuan din ang ilan sa mga pinakaunang arkitektura sa United Arab Emirates.

Ang binansagang “Abu Dhabi Pearl” ay isasapubliko sa Louvre Abu Dhabi na branch ng sikat na museo sa Paris.

Pinaniniwalaang ginamit ang perlas sa pakikipagkalakalan sa Mesopotamia na ngayo’y Iraq.

Dati ay nabuhay ang Abu Dhabi sa pagbebenta ng perlas bago bumagsak ang industriya nito noong 1930s at tuluyan nang umasa ang ekonomiya ng lugar sa langis.

Show comments