Pipitasin mo ba ang Bulaklak?

(Last Part)

“HALIMBAWA ay may nagustuhan akong bulaklak ngunit ito ay nasa gilid ng bangin, pipitasin mo ba ito para sa akin kahit alam mong puwede kang mahulog at mamatay? Nakabase sa isasagot mo ang aking magiging desisyon kung itutuloy ko  o hindi ang pakikipaghiwalay sa iyo.”

Napabuntong hininga ang lalaki at saka nagsalita. Matulog muna tayo at bukas kita sasagutin.

Kinabukasan ng umaga, nagising ang babae na wala sa kanyang tabi ang asawa. Isang liham mula rito ang kanyang natagpuan.

“Sweetheart, hindi ko pipitasin ang bulaklak para sa iyo. Narito ang aking mga dahilan:

Sa tuwing ginagamit mo ang ating computer, laging may nasisira kang program. Matataranta ka dahil hindi mo matatapos ang binitbit mong trabaho mula opisina. Ako lang ang inaasahan mong gagawa nito. Kaya kailangang i-save ko ang aking mga kamay para maibalik ko ang program.

Napaka-makakalimutin mo. Madalas mong maiwan ang house key sa loob ng bahay. Tapos tatawagan mo ako dahil hindi ka makapasok sa bahay. Kailangan kong i-save ang aking mga binti para makatakbo kaagad para buksan ang bahay para sa iyo.

Naiinip ka kapag wala kang magawa. Kailangan kong i-save ang aking bibig para makapagkuwento ako ng jokes na lagi mo naman tinatawanan.

Lagi kang nakatitig sa computer dahil sa iyong mga trabaho. Idinadaing mo sa akin na unti-unti nang nanlalabo ang iyong paningin. Kailangan kong i-save ang aking mga mata para kung tuluyan nang manlabo ang iyong paningin…  ako na lang ang magpuputol ng iyong kuko at maglagay ng cutex na paborito mong gawin. Papanoorin ko sa YouTube kung paano ang tamang paraan ng manicure at pedicure. Ako rin ang mag-aakay sa iyo tuwing mamamasyal tayo sa beach. Isa-isa kong ilalarawan sa iyo kung gaano kaputi ang tinatapakan nating buhangin. Ako ang magiging salbabida mo habang ikaw ay lumalangoy.

Hangga’t hindi mo pa natatagpuan ang lalaking mas mahusay magmahal kaysa sa akin, hindi ko pipitasin ang bulaklak at papayag na mamatay. Kapag tapos ka na sa pagbabasa at satisfied ka na sa aking kasagutan. Puwede bang pumunta ka sa dining table? Ipinaghanda kita ng paborito mong almusal —pandesal na may palamang pansit canton at mainit na kapeng barako. Sabay tayong kumain.  I love you.”

              

Show comments