SABIT, dahil huli sa akto na nagbabarikan ang apat na pulis from Las Piñas Police Station 6 habang on-duty sila sa isang check-point sa may Zapote Road.
Naku patay!
Kinilala ng PNP - IAS, ang mga tomador na sina Police Corporal Robemar Abales, Patrolman Samuel Inoc, Police Corporal Alquin Orgen at Police Corporal Randy Danao.
Tiyak mabigat ang administrative case na ipapataw laban sa kanila porke may evidence na nakuha ng mabuko silang tumotoma.
Ayon sa report, ang apat na pulis Las Piñas ay nahuling tumotoma habang nasa checkpoint diyan sa may Zapote Road, kaya naman galit na galit ang mga matataas na opisyal ng PNP sa mga pinaggagawa nila.
Alam natin medyo may kalasingan na rin ang mga nag-inuman ng alak porke naubos nila ang isang ‘long neck.’
Ika nga, na picturan pa ang evidence.
Samantala, hindi pa nagagalaw o nabuksan ang isa pang long neck na naka-reserved na mukhang lalaklakin din nila kung hindi sila nabuking.
Dinisarmahan na ang apat na pulis at kasong administratibo ang inihahanda laban sa kanila.
‘Matanggal kaya sila sa pagka-pulis ?’
Ewan! Abangan.
• • • • • •
Will help ease traffic?
Inaasahan ng madlang people na matatapos ng DPWH ang Skyway Stage 3 Project sa December na magko-connect sa NLEX at SLEX.
Wow naman!
Kapag umarangkada na ito para magamit ng mga sasakyan, tiyak na tiyak na magkakaroon ng katiwasayan ang madlang pinoy porke ang traffic na nararanasan sa EDSA ay mukhang luluwag ngayong Kapaskuhan.
Sana nga!
Sa ngayon ang proyektong ito ay nasa 75% nang tapos at ito ang mag-uugnay sa Makati City at Quezon City, simula sa SLEX sa south at matatapos sa NLEX sa norte.
Ayon sa mga bright people, ang entry at exit ramps ng Skyway ay sa Buendia, Plaza Dilao, Nagtahan, Eulogio Rodriguez, Quezon Avenue, Sergeant Rivera and Balintawak.
Inaasahan na ang full operation ng proyektong ito ay magluluwag sa EDSA?