Gadget sa O Shopping walang kuwenta

HINDI biro ang hinagpis na naranasan ng isang pamilya sa Tondo ng bumili ito ng isang produkto sa O Shopping porke palpak dahil sira ang ibinigay na gadget sa kanila.

Pinag-ipunan ng pobreng alindahaw ang almost P6,000 para makabili ito ng Swiss military cordless drill, na may SMT 1000-B hammer drill dahil naengganyo siyang bumili ng makita sa TV commercial ng ‘O Shopping’ ang nakursunadahang gadget.

Sabi ng pobreng alindahaw, last April 8, 2019 ay nag-order siya ng nasabing produkto pero hindi nagtagal ay may sira pala ito kaya naman nag-reklamo siya at tumawag sa teleponong 800-7000 para sabihin na gusto niyang ibalik ang nabili dahil palpak.

Hindi agad kumilos ang kompanya ng ‘O shopping’ pero noong May 19, 2019, halos mahigit isang buwan ay nag-react ang company sa kakulitan ng reklamador at kinuha ang unit para palitan ng bago raw.

Ayon sa reklamador, naghintay sila sa unit pero ibinalik sa kanila noong June 18, 2019 ang siste sira pa rin ang unit.

Ika nga, defective?

Tinatawagan ng reklamador ang inorderan nito pero pinaiikot-ikot siya.

Ano ang mainam gawin dito?

Hanggang ngayon ay pinaiikot-ikot ang pobreng alindahaw dahil mahirap ang bumili kaya naman balewala sa kanila ang reklamo!

Abangan.  

• • • • • •

May scandal sa emission testing center 

Dapat ipabusisi ni DoTr Secretary Art Tugade ang Philippine Emission Testing Center dahil sangkot diumano ang ilang opisyal sa katiwalian dito.

Take note, PACC Commissioner Greco Belgica, Your Honor !

Ayon sa sumbong, last June ay pinapunta ng isang alyas Ed ‘ando’, isang ITO na nakatalaga umano sa Computer Service Divison ang kanilang bata sa Pampanga para kunin ang diumano’y P200,000 lagay para mabaliktad at hindi makansela ang ‘authorization’ ng isang emission center doon.

Noon din June ay na-reverse ang revocation of authorization ng emission center pero noon pang nakaraan October revoke na ito porke nahuli ang nasabing kumpanya na gumagawa ng mahigit sa 200 non - apperance o pag-tamper sa resulta ng emission testing.

Nakasaad sa Batas, na bawal ang ganitong klase ng sistema.

Nagsumbong sa Office of the Ombudsman ang reklamador at pinabubusisi ang mga opisyal dyan sa PETC at FRS.

May kutsabahan daw kasi hanggang sa DoTr ?

Abangan. 

Show comments