Karera ng office chair, idinaos sa Japan

DOSE-DOSENA ang sumalo sa isang kakaibang karera sa Japan kung saan nagpaunahan ang mga kalahok habang sakay ng mga karaniwang office chair.

Ang kompetisyon, na kumuha ng inspirasyon mula sa sikat na Formula One race, ay binansagang “Isu One” mula sa Japanese na salita para sa office chair na “isu.”

Ang karera ay nilalahukan ng iba’t ibang grupo ng tig-tatatlong miyembro na magsalit-salitan sa pag-ikot sa race course na may habang 200 metro habang sakay ng isang office chair.

Panalo ang grupo na may pinakamaraming bilang ng ikot sa loob ng dalawang oras.

Limampu’t limang teams ang lumahok sa kadadaos lang na Hanyu race, na pinanalunan ng Kitsugawa Unyu team na nakatanggap ng 90 kilo ng bigas bilang premyo.

May sampung Isu One races ang ginaganap sa Japan taun-taon at nakatakdang idaos sa darating na Hulyo ang susunod na karera.

Show comments