Ang pinakamagaling na gamot

NOONG 1964, ipinagtapat ng doktor ni Norman Cousins (editor ng New York Evening Post) na ilang buwan na lang ang itatagal ng kanyang buhay. May kakaiba siyang sakit sa connective tissues na kung tawagin ay Ankylosing Spondylitis. Napakaliit ng tsansa niyang gumaling — 1 is to 500. Ibig sabihin, sa bawat isang (1) tsansa na mabuhay ay may katapat itong 499 tsansang mamatay. Kaya’t sinabihan siya ng kanyang doktor na ihanda ang kanyang sarili at kalooban sa mga mangyayari.

Pero hindi pumayag si Norman na tanggapin na lang niya ng ganoon ang diagnosis ng kanyang doktor. Si Norman ay isang journalist at magaling mag-research kaya nagsaliksik siya tungkol sa kanyang sakit. Napag-alaman niya na ang kanyang sakit ay dulot ng kakulangan sa vitamin C kaya ang una niyang ginawa ay nagpapaturok siya araw-araw ng naturang vitamin. Nabasa rin niya na malaki ang naidudulot ng “happiness” sa pagpapagaling ng sakit. At ang happiness na iyon ay makakamtan lang sa pamamagitan ng pagtawa.

Mula sa kaunting savings ay bumili siya ng movie projector at kopya ng comedy films mula sa Marx Brothers film. Pinapanood din niya ang Candid Camera show na kahawig ng Wow Mali na palabas noon sa channel 5.

Sa bawat 10 minutong pagtatawa hanggang sa sumakit ang kanyang tiyan, ang kapalit nito ay dalawang oras na “pain-free sleep”. Ang kanyang sakit ay nagdudulot sa kanya ng masakit na muscle at joints kaya madalas ay hindi siya makatulog. Natuklasan niyang ang pagtawa pala ay nagsisilbing pain killer. Sinisikap niyang humagalpak ng tawa araw-araw hanggang sa sumakit ang kanyang tiyan. Nagbunga ang kanyang ginawa. Ang ilang buwan niyang taning ay umabot ng 26 years. Binawian lang siya ng buhay noong November 1990.

*Ankylosing spondylitis is a type of arthritis that affects the spine. Ankylosing spondylitis symptoms include pain and stiffness from the neck down.

Show comments