NADISKUBRE ng mga mountaineer ng Indian army na nagsasagawa ng isang expedition sa Nepal ang mala-laking yapak sa snow na sinasabing nagmula sa Yeti o kay “BigFoot”.
Ayon sa Indian army, may sukat na 32 by 15 inches ang mga yapak na kanilang natagpuan malapit sa kanilang kampo sa Mount Makalu noong Abril 9.
Kung hindi man daw kay “BigFoot” ang mga yapak ay siguradong sa isang hayop na sinlaki ng mga dinosaur base sa sukat ng mga ito, ayon kay Daniel C. Taylor na eksperto kay “BigFoot” at nakapagsulat na ng libro ukol dito.
Noong 2008, may mga Japanese climbers na nanggaling sa isang bundok sa western Nepal ang nagsabi sa Reuters na may nakita rin silang mga yapak na ayon sa kanila ay galing sa isang Yeti, ngunit wala naman silang maipakitang pruweba sa kabila ng mga dala nilang camera.