…na hindi nila gugustuhing malaman ninyo
1. Sinadya ni Kate Middleton na mag-enrol sa school na pinapasukan ni Prince William para may tsansa silang magkakilala.
Ang original plan ni Kate ay mag-aral sa University of Edinburg. Sa katunayan ay nakapasa siya rito at pinadalhan na ng unibersidad ng confirmation letter na pasok na siya rito. Pero nabalitaan niyang si Prince William pala ay sa University of St.Andrews mag-aaral kaya agad niyang tinanggihan ang offer ng Edinburg. Hindi muna siya nag-aral. Naghintay siya ng isang taon para mag-aplay sa St. Andrews at saka nag-enrol. Ang sabi nga ng author na sumulat ng biography ni Kate, hindi mo makikita sa mahinhing mukha nito ang pagiging agresibo na makuha si Prince William. Dito iniaplay ni Kate ang kasabihang: Don’t just dream it, make it real!
2. Kaibigang matalik ni Edward VIII si Hitler.
Kaunting background: Si Edward ay panganay na kapatid ni George VI. Si George VI ang tatay ni Queen Elizabeth II. Bilang panganay, si Edward talaga ang nakalinya na humalili sa trono ni King George V. Kaso nang pumanaw si George V, sa hindi malamang dahilan, tumanggi si Edward na maging hari. Bilang ikalawang anak na lalaki, sa tatay ni Queen Elizabeth ipinasa ang trono, kay George VI. Dalawang babae lang ang anak ni George VI, kaya sa anak na panganay ipinasa ang trono, kay Elizabeth. Si Edward ay binata nang tanggihan niya ang paghalili sa trono ng ama.
Noon pa man ay masama ang reputasyon ni Hitler kaya hiyang-hiya ang buong British Royal family na ang isa nilang miyembro ay “beso-beso” kay Hitler. May paniwala ang marami na kaya nito tinanggihan ang pagiging tagapagmana ng trono ay dahil haling na haling sa isang American woman na nagngangalang Wallis Simpson. Kung siya ay hari, hindi niya mapapakasalan ang babaeng ito. Lalo pang naging komplikado ang love affair ng dalawa nang matuklasan ng UK secret service na si Simpson ay espiya ng Germany na nagbibigay ng secret military information. Pinangakuan ng Nazis si Edward na kapag sila ang nanalo sa giyera, tutulungan nila si Edward na mabawi ang inayawang trono.
(Itutuloy)