(Part II)
Noong 2015, ang Snapchat CEO na si Evan Spiegel ay naging “world’s youngest billionaire”, sa edad na 24.
Karaniwan sa mga billionaires sa Forbes’ Top 100 ay nasa ilalim ng zodiac signs na Aquarius at Taurus, base sa listahan ng kanilang birthday mula 1996 hanggang 2015.
Lagi nating nababalitaan ang listahan ng mga college dropouts na naging bilyonaryo. Pero kakaunti lang sila. Karamihan ay may pinag-aralan. Sa katotohanan, 52% ng billionaires ay may bachelor’s degrees, as of 2016. Mga 27% ay may master’s degree, 7% ay may PhD. At 14% lamang ang walang college degree.
Ang mag-amang Gigi Chao at bilyonaryong Cecil Chao Sze-tsung ay lumikha ng ingay noong 2012 nang i-announce ng ama na bibigyan niya ng 65 million dollars ang lalaking nakahandang magpakasal sa kanyang lesbian na anak. Hindi kasi matanggap ng ama na nagpakasal sa kapwa babae ang kanyang anak sa France. Ang tanging nasabi ng anak sa kanyang ama: “Dear Daddy, you must accept I’m a lesbian.”
Si Chuck Feeney ng Ireland ay nakilalang “James Bond of philanthropy.” Naging bilyonaryo siya sa pamamagitan ng Duty Free Shoppers. Siya ang nagpauso ng concept of duty free shopping. Mahigit na 8 billion dollars ang naipamigay niya sa charity at ngayon ay naninirahan sa isang simpleng apartment sa Ireland.