Stan Lee
Si Stan Lee ay kinilalang Godfather of Marvel comics. Nang sulatin niya ang pinakauna niyang kuwentong pang-komiks ay 40 anyos na siya. Ito ay ang The Fantastic Four. Sunod niyang sinulat kung saan may kasama siyang co-writers ay Spider-Man, Black Panther, the X-Men at hindi mabilang na legendary superheroes na nanguna sa box office nang isalin ito sa pelikula. Namatay siya sa edad na 95 noong November 12, 2018.
Vera Wang
Ang ultimate dream ni Vera ay maging Olympic figure skater pero nabigo siyang mapabilang sa US Olympic team. Edad 40 na siya nang pumasok sa fashion industry hanggang sa siya ay maging one of the world’s most respected names in fashion.
Momofuku Ando
Mga 50 anyos siya nang kanyang imbentuhin ang instant ramen noodles noong 1958.
Samuel L. Jackson
Dalawang dekada na siyang nag-aartista pero 43 years old na siya nang magkaroon ng big break sa Hollywood. Nabigyan siya ng special acting award ng 1991 Cannes Film Festival para sa pelikulang Jungle Fever. Simula noon, nakawala na siya sa maliliit na roles.
“It is never too late to be what you might have been.” – George Eliot