Kakaibang kuwento ng mga bilyonaryo

Ang author ng Harry Potter na si J.K. Rowling ay nalaglag sa Forbes billionaire list dahil ang malaking bahagi ng kanyang kayamanan ay ibinibigay niya sa charity. Ayon sa kanya, “You have a moral responsibility when you’ve been given far more than you need, to do wise things with it and give intelligently.”

Advance mag-isip si billionaire Daniel Keith Ludwig. Ipina-frozen niya ang kanyang genetic material para pagda-ting ng araw na patay na siya at kuwestiyunin ang kanyang last will and testament, mayroong ebidensiya na magagamit ang kanyang abogado. At noong pumanaw si Ludwig, hindi niya pinamanahan ang kaisa-isang “anak”. Naghabol ang anak pero napatunayan ng DNA analysis na hindi talaga siya anak ng bilyonaryo. Pinagtaksilan siya ni Misis.

Si Bill Gates ay nakatanggap ng honorary knighthood mula kay Queen Elizabeth pero dahil American siya, hindi niya magagamit ang title na “Sir”.

 Ang former CEO ng Google na si Larry Page ay may health condition kung saan nagkaroon siya ng vocal chord paralysis. Unti-unti siyang nawawalan ng boses. Kapag nagsalita, ang boses niya ay malat o sobrang paos. Sa kasalukuyan ay nagpapagamot siya.

Dinagdagan ng bilyonaryong si Jim Simons ang suweldo ng Math at Science teachers ng public school sa New York City. Ang idinagdag niya ay $15,000 per year.

Show comments