MARAMI ang nandidiring mamalengke sa mga public market dahil sa mga iresponsableng market masters. Isa lamang sa mga ito ang dating masaganang Kamuning Public Market sa Quezon City na paboritong pasyalan noon ng mga artista pangalawa sa Divisoria. Bihira na ngayon dito ang namimili at gumagalang artista, mas marami na ngayon ang durugista. Punyeta!
Konsiyerto ng daga, pusa at aso sa palengke, patok!
Madalas ding mag-concert dito ang mga daga, pusa at mga asong gala, para manginain, patunay dito ang video na kinunan ng mga opisyales ng barangay na nilalaplap ng mga ito ang mga karneng nakasabit sa puwesto habang hindi pa ito naaatado sa hatinggabi. Ayusin na ninyo ito Mr. Regino Gaudiel bago pa mag-viral sa facebook at ma-punyeta ka ng mga amo mo.
Pader lang ang pagitan ng palengke sa Kamuning Health Center at Tomas Morato Elementary School at kinakailangan pang ang mga street sweeper ng barangay ang maglinis ng nasasakupan ng palengke. Kumilos ka na Market Master Regino Gaudiel bago ka pa ipa-Ombudsman ni Kapitana Amie Castel!
Leprospirosis, dengue at rabbies, nakaaamba!
Dahil sa combo ng aso, daga at pusa, posibleng magka-outbreak ng iba’t ibang uri ng sakit at mabiktima ang elementary students sa Tomas Elementary School dahil sa dumi sa loob at labas ng palengke. Alam mo ba ito QC Public Market Administrator Marilou Arrieta? Sabi nga sa artikulo uno ni Antonio Luna, sa mga ganitong tao, mga punyeta raw kayo!
Sa pagtatanong ko sa stallowners, tamad daw talaga si Market Master Regino Gaudiel at bihira lamang nila itong makitang naglilibot sa palengke. Nang tanungin ko kung bakit nakakapaglagay sila ng extended na paninda sa harap nila at maraming illegal vendors sa loob at labas ng palengke, tumitig lang sa akin ang kausap ko, kasabay ang sabing ang lagay ba n’yan eh! at napailing ng ulo. Alam na di ba? punyeta! Pukaw na mo.