Lapeña, Piñol, Aquino at Gongona, may asim pa!

NAGDUDUDA pa rin si Juan dela Cruz kung may corruption pa rin sa bakuran ng Cuadro de Jack dahil mistulang nasa Pilipinas got-talent sa kategoryang best character performers ngayon at kandidato sina Bureau of Customs Chief Isidro Lapeña (Sino si Alex Taba?) DA Secretary Manny Piñol (free rice smuggling) NFA Chief Jason Aquino (bigas? No more!) at BFAR Eduardo Gongona (galunggong pa more). May nakikinabang o makikinabang daw? Ooows!

1973 at 2018 Magkahawig lang

Naging mainit din ang usapin ng martial law noong 1973 at naubusan din ng bigas ang bansa matapos ang maraming pagbaha at kasagsagan ng mga gulo sa Mindanao. Pumila ang tao para lamang makabili ng pinaghalong mais at bigas na inirarasyon ng noo’y National Grains Authority.

Noong panahon ding ‘yon naging mainit ang usapin sa pinagtibay na pagbabago sa porma ng gobyernong parlamentaryo na nagbigay ng titulong President and Prime Minister kay Ferdinand Marcos bago pa ipasa kay Cesar Virata. Hintayin natin kung maihahabol ang federalismo con parlamentario para kay Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Malay natin, baka makatsamba?

Maraming nakarsel na mga kritiko ni Marcos at na-firing squad ang druglord na si Lim Seng at ipinanganak ang New Society at makapangyarihang Partido Politikal na Kilusang Bagong Lipunan.

Nagpasiklab si GMA, nainggit ang Courage!

Naging bida si GMA sa mga empleyado ng House of Congress nang binigyan ang mga ito ng P35,000 grocery allowance habang nakatingin at nangungopete sa inggit ang ibang kawani ng gobyerno na miyembro ng Confederation for Unity Recognition ang Advancement of Government Employees (Courage) kaya nangangalabit-penge rin ang mga ito.

Maganda naman ang ginawa ni GMA dahil argabyado naman talaga ang mga regular employees ng House of Congress sa mga consultants at staff ng mga kongresista na nakakabonus sa mga kontratista sa proyekto ng mga amo nila kahit manaka-nakang pumasok sa opisina ang mga loko. Hahaha.

Show comments