ANG anak daw ay parang saranggola. Simula pa lang sa unang araw na nagplano kang bumuo ng isang saranggola, ninais mo nang magmumula ito sa mahusay na materyales. Hindi mo gugustuhing magkaroon ng saranggola na basta na lang binuo. Maghahanap ka ng makukulay na papel at hindi madaling mapilas, glue na madikit, matigas ngunit madaling baluktutin na piraso ng kawayan na magsisilbing gulugod ng saranggola.
Kapag natapos ang pagbuo, sisimulan mo na itong paliparin. Alalay lang ang pagpapalipad. Hindi mo muna itotodo ang pagpapaalagwa ng tali. Mababa muna pero kung nadarama mong matatag na ang paglipad nito ay saka mo hahayaang umalagwa ang tali hanggang makikita mo na lang na sumasayaw-sayaw ang iyong saranggola sa itaas na ang tingin mo ay humahalik na ito sa ulap.
Habang lumalayo siya sa iyo, nakakadama ka ng lungkot. Pero lungkot na may kakambal na saya dahil ang mataas at walang sablay niyang paglipad ang tanda na tagumpay ka sa pagbuo ng isang matibay na saranggola. Saka mo maiisip, nagawa mo nang maayos ang iyong responsibilidad bilang magulang. Ang saranggola…