(Part 3)
Binigyan ni Idi Amin ang kanyang sarili ng napakahabang title: ‘His Excellency, President for Life Field Marshall Al Hadj Doctor Idi Amin Dada, VC, DSO, MC. Lord of all the Beasts of the Earth and Fishes of the Sea and Conqueror of the British Empire in Africa in General and Uganda in Particular’. “King” lamang ang posisyon na hindi niya isinama sa kanyang title.
Nagpadala ang Ugandan dictator ng love letter kay Queen Elizabeth II ng England at nag-propose ng kasal. Iyon daw ang dahilan kung bakit walang “king” sa kanyang posisyon. Si Queen Elizabeth daw ang maggagawad noon sa kanya pagkatapos ng kanilang kasal. Hindi pinansin ng palasyo ang kabaliwan ng diktador ng Uganda.
Pinalayas niya ang lahat ng Hindus at Asians sa Uganda dahil iyon daw ang utos ng Diyos sa kanyang panaginip.
Ginamit ni Saddam Hussein ang kanta ni Whitney Houston na “I Will Always Love You” bilang campaign song noong 2002 election.
Iminungkahi ng diktador ng Libya na si Muammar Gaddafi na tanggalin na sa mapa o tanggalin na ang pagkilala sa Switzerland bilang isang bansa, matapos arestuhin ng mga otoridad ang kanyang anak sa nasabing bansa noong 2009 sa salang panggagahasa.
Noong 10 taon pa lang si Italian dictator Benito Mussolini, na-expelled siya sa school dahil sinaksak niya ang puwet ng kanyang kaklase.