Mindanao ay magandang bahagi ng bansa
dapat alagaan ng mayama’t dukha.
sundalo’t rebelde dapat magkaisa
unlad ng Mindanao dapat isagawa!
Bilyonaryo’t magsasaka dapat ay naroon
upang pagyamanin kalupaan doon.
simbahan at eskwelahan dapat tulong-tulong
na di-alintana ang mga daluyong!
Muslim at rebelde dapat magtulungan
upang buhay nila ay maging magaan.
wala silang armas at mga patayan
dapat magkakapatid at nagtutulungan.