Masayang daigdig

Sana ang daigdig palaging masaya

walang nag-aaway at wala ring gyera;

ang lahat nang tao ay nagkakaisa

sa isang layuning kapatiran pala!

 

Pagka’t tayong lahat ay magkakapatid

pantay-pantay lamang, bigkis ng pag-ibig;

ang pagmamahalan ay taos sa dibdib

magulang at anak laging magkalapit!

 

Sana tayong lahat pawang nabubuhay

sa mabuting gawa’t ginintuang pakay;

at ang pulitika -- itakwil ng bayan

Show comments