“PAANO kung bigla tayong tawagin ni Jumbo?’’ sabi ng isang tauhan sa kanyang mga kasamahan.
“Mamaya pa yun! Baka hinahabol pa ni Jumbo yung tsik. Saka di ba gusto niya ay walang asungot, e di mag-isa siya. Basta ako e matutulog muna, Ang sarap ng hangin dito.’’
“Sige matutulog din ako. Napuyat ako kagabi eh.’’
“Sabihan mo ang mga kasamahan natin na matulog muna.’’
“Sige. Isisigaw ko na lang para malaman nila.
Isinigaw nga.
“Hoy magsitulog daw muna kayo at mamaya pa matatapos si Jumbo. Abala pa sa tsik. Magrelaks lang daw muna kayo.’’
Sumagot naman ang mga kasamahan.
Kaya nagkanya-kanyang hilata sa damuhan at sa ilalim ng punong kahoy ang mga tauhan ni Jumbo.
Ang ilan pa sa mga ito ay isinandal ang mga mahahabang baril sa punongkahoy.
Ilang sandali pa nagsisihilik na ang mga tauhan. Pagod na pagod kasi ang mga ito sa paglalakad.
Nang mga sandali namang iyon ay bahagyang tumigil ang babae sa pagtakbo. Hinihintay si Jumbo.
Maya-maya pa, kinawayan nito si Jumbo.
Nang makita ay napa-ngiti nang todo si Jumbo. Tulo-laway na sa babae. Nakapanty lang kasi ang babae.
Hanggang sa makara-ting sa dakong damuhan ang babae. Itinuro nito kay Jumbo ang bahaging damuhan. Paulit-ulit na tinuro ang damuhan.
Mabilis na nahulaan ni Jumbo ang ibig sabihin ng babae.
“Ah diyan sa damuhan ang gusto mo? Sige pagbibigyan kita. Hindi na kita pakakawalan ngayon. Humanda ka at lulurayin kita!’’
(Itutuloy)