1. Epekto ng pamamalo (corporal punishment) sa batang babae—para mo nang ikinokondisyon ang kanilang isipan na okey lang silang saktan ng kanilang magiging asawa paglaki nila. Habang lumalaki ay napag-aaralan nilang tanggapin na ang pananakit sa kanila ay bahagi lang ng normal na buhay. Ito ang natuklasan sa pag-aaral ng isang California-based non-profit group na kinabibilangan ng mga magulang at guro na tutol sa pamamalo bilang paraan ng pagdisiplina sa mga bata.
2. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Family Research Laboratory, University of New Hampshire-Durham, ang batang dinidisiplina sa pamamagitan ng pisikal na pananakit ay nagkakaroon ng sexual problem paglaki nila.
3. Ayon naman sa psychologist na si Robert Fathman, ang batang lumaki sa palo ay nagkakaroon ng long lasting anxiety (laging balisa), social withdrawal (laging nag-iisa), night terrors (madalas na nagigising sa gabi dahil sa di maintindihang pagkatakot) at severe depression (sobrang kalungkutan).
4. Ipinagbawal na ang pamamalo sa mga school sa Taiwan, at Catholic schools sa US. Pero nakakalungkot isipin na hanggang ngayon ay ginagawa pa rin ang ganitong kalupitan sa public at private school sa US. Pina-paddle nila ang mga bata.
5. Tinututulan ng American Academy of Pediarics at ibang professional associations ang corporal punishment.
6. Nilalakad na ng iba’t ibang samahan sa US na itaas sa lethal injection ang maging parusa sa mga gumawa ng corporal punishment sa isang bata. Ayon sa nakalap ng Department of Health and Human Services at ng New England Journal of Medicine, mula 1,000 hanggang 2,000 bata ang namamatay taun-taon sa US dahil sa corporal punishment samantalang 142,000 ang nabuhay pero seryosong napinsala, pisikal at emosyunal. Sana gawin na rin sa atin ang ganitong parusa sa mga taong malulupit sa bata.