GAWING mapayapa ang kanilang mga pagpoprotesta, ito ang kahilingan ni Presidente Rodrigo Duterte sa mga magra-rally ngayong araw.
Maaaring gamitin ng mga grupong nais magsagawa ng kani-kanilang protesta ang EDSA hanggang kelan nila gusto.
Nagdeklara rin ng walang pasok ang Presidente sa mga pampublikong paaralan sa lahat ng antas at sa opisina ng gobyerno. Ang ilang mga sangay na walang jurisdiction ang executive branch ay mananatiling may pasok.
Ang ilang korporasyon at pribadong opisina ay desisyon nila kung gusto ba nilang magpatuloy sa trabaho pero hindi kinakailangang magbayad ng employer ng doble dahil ito’y hindi non-working holiday.
Maganda rin ang ginawa ni Presidente Duterte na binigyan niya ng pwesto ang mga magpoprotesta na maaari nilang gawin ang kanilang gusto at ang bilin niya ay maximum tolerance para sa mga gustong maglabas ng sama ng loob.
Ika-21 ng Setyembre nababago na ba ang kasaysayan? Nalimutan na ba ang lahat ng nagbuwis ng buhay at mga taong naki-baka sa EDSA? Ang pinaka matinding nagdusa ay si Benigno Aquino Jr.
May mga magulang ng mga desaparecidos na hanggang ngayon umaasa pa na basta na lamang tutungtong sa pintuan ng kanilang mga bahay ang kanilang mga anak na babae at lalaki.
Naibigay ni Presidente Duterte ang gusto ng bawat tao kung ano ang nais nilang gawin sa araw na yun.
Buhay pa ba ang diwa ng EDSA? Karamihan sa ating mga mamamayan ay mga bata at nabibilang sa mga ‘new millennium babies’. Ang kaalaman nila sa martial law ay kung ano ang nabasa nila sa libro at internet, naikwento ng kanilang mga magulang at maari namang naituro sa paaralan.
Magkakaalaman ngayon kung gaano karaming tao pa ang may tinig pa sa kanilang kalooban ang kahulugan ng pakikibaka sa makasaysayang lansangan ng EDSA.
Hanggang ngayon may mga nakaw na yaman ang hindi pa lubusang nababalik sa Pilipino at sa Pilipinas.
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.
Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.