Ang Larawan

Ang larawan nang pamilya ay nasa silid ko

Sa araw at gabi ay nasisilayan ko

Kwadro’y nakasabit sa ulunang dako

Ng aking higaang malapit sa pinto

 

Kapag ibinukas nasabing pintuan

Nasa likod nito nasabing larawan

Kaya buong kwadro’y di nasisilayan

Nang kahit na sinong nasa tahanan

 

Okey lang sa akin kalagayang ito

Ang nasa larawan ay mahal kong walo

Si Itay si Inay at limang kuya ko

Ang pito’y patay na wala na sa mundo

Show comments