Parekoy (9)

“PALUWAS ka na Parekoy?’’ tanong ni Sarah na ang katuwaan sa pagkakita kay Lino ay nakabakas sa magandanng mukha nito. Naka-shorts si Sarah pero hindi naman bastusin ang itsura.

At muli namang nahiya sa babae si Lino. Nanaig ang katorpehan. Nagkakabuhul-buhol ang dila kapag may kausap na babae. Mas ma-lakas ang looob niya kapag kasama si Ping.

“Ha? A e oo! Oo, paluwas na ako S-Sarah!’’

“Bakit paluwas ka na agad, Parekoy?’’

“A e kasi’y nakakahiya na kay Parekoy. Babalik din kasi ako.’’

“Talaga, Parekoy, babalik ka?’’

“Ha? A oo Sarah, babalik ako!’’

“Kailan Parekoy?’’

“Basta, babalik ako Sa-rah.’’

“E di dadalhan mo uli ako ng Toblerone, he-he-he!’’

Napaurong na naman ang dila ni Lino.

“Ha a oo, dadalhan kita ng Toblerone, Sarah.’’

“Ang sarap kasi, Parekoy. Galing bang Saudi iyon?”

“Oo! Galing sa Saudi!’’

“Talagang dadalhan mo ako, Parekoy? Baka binibiro mo lang ako. Magagalit ako sa’yo Parekoy. Masama akong magalit. Kapag nagagalit ako, nililips-to-lips ko!’’

Lalo nang nalunok ni Lino ang kanyang dila. Hindi niya kayang makipagsabayan ng biro kay Sarah. Mahina talaga ang boladas niya. Torpe at dungo siya. Hindi marunong makipagbolahan.

“Kaya huwag mo akong gagalitin Parekoy.’’

“E, sige Sarah, baka maiwan ako ng bus.’’

“Sige Parekoy. Hihintayin ko ang pagbabalik mo na may dalang Toblerone. Kapag wala kang dala, humanda ka. Hindi lang lips-to-lips ang ibibigay ko!’’

Napalunok si Lino. Grabe na si Sarah. Hindi niya kaya.

(Itutuloy)

Show comments