HINDI makapagsalita si Lino sa sinabi ni Sarah. Talagang tiyope siya pagda-ting sa babae. Hindi siya ma-kagawa ng biro na katulad ng ginagawa ni Ping na maaaring makipagbolahan.
“O Parekoy narinig mo ang sinabi ni Sarah, baka tanggapin daw ang panliligaw mo. Sige ikaw rin, malapit nang tumigas yang tahid mo, he-he-he!’’
Lalo nang hindi nakapagsalita si Lino at nakatingin lamang kay Ping. Mabiro talaga ang parekoy niya. Bakit siya ay tameme pagdating sa babae at hindi magawang makipagbiruan.
“Ay aalis na nga ako Kuya Ping. Sige ituloy n’yo na ang pag-iinuman n’yo. Wala namang akong naririnig diyan sa kaibigan mo,” sabi ni Sarah at humakbang na para umalis.
Biglang may binulong si Lino kay Ping.
Kaya biglang tinawag ni Ping ang papaalis na si Sarah.
“Hoy sandali Sarah, may sasabihin daw si Parekoy!”
Tumigil si Sarah at lumi-ngon sa dalawa.
“Binibiro mo naman ako Kuya.’’
“Hindi! Meron ngang sa-sabihin sa iyo si Parekoy.’’
“Paano may sasabihin e pipi naman yata ang kaibigan mo.’’
“Hindi pipi yan,” at bina-lingan si Lino. “O Parekoy ano ang sasabihin mo kay Sarah. Ipakita mong hindi ka pipi, dali na!’’
May dinukot si Lino sa Duty Free bag na nasa ilalim ng upuan. Isang malaking Toblerone chocolate.
“E, Sarah, ibibigay ko sana sa’yo ‘to,” sabi niya at iniabot kay Sarah ang Toblerone na kasinglaki ng braso ng sanggol.
Hindi naman nakapagsalita agad si Sarah. Siya naman ang napipi.
“O Sarah, para sa’yo ang Toblerone. Ano ang masasabi mo kay Parekoy.’’
“Sa akin ba talaga yan, Parekoy?’’ tanong nito.
“Oo, tanggapin mo,” sabi ni Lino.
Tinanggap ni Sarah.
“Salamat Parekoy.’’
“O di ba hindi siya pipi.’’
“Oo nga Kuya, mabait pala ni Parekoy.’’
“Puwede na siyang manligaw?’’
Ngumiti lang si Sarah.
“Aalis na ako Kuya. Salamat uli Parekoy.’’
(Itutuloy)