‘VP Leni, putok sa buho ka kasi!’

IBA talaga kapag aksidenteng Bise-Presidente lang ang nakaupo.           

 Aksidente, ibig sabihin putok sa buho. Nabuo nang wala sa plano. Disgrasya. Hindi talaga sinadya o plinano.     

 Dahil putok sa buho, nagkakalat. Puro kasablayan ang pinaggagawa. Palibhasa kasi walang alam sa pulitika.

 ‘Yan ang problema kapag putok sa buho. Ang totoo, kaysa mapahiya noon ang mga dilaw kinuha na lang ni P-Noy si Robredo bilang tandem ni Mar Roxas.

 Natulog lang ang mga tao noong gabi ng eleksiyon, bigla na lang tayong nagkaroon ng Bise Presidente.    

 Tanong, nailuklok nga ba sa pwesto dahil marami ang mga naniniwala sa kanya o dahil may nangyaring dayaan?   

 Noong nag-aasam na maging myembro ng Gabinete, ang ingay-ingay. Binigyan ng trabaho. Pero sa halip na magpasalamat nanguna pa sa mga martsa. Sinibak tuloy sa Gabinete.  

 Ngayong hindi na siya parte, nag-iingay pa rin. Ang daming kiyaw-kiyaw sa drug war. Pagamit kasi nang pagamit sa dilaw, nalalagay tuloy siya sa alanganin. 

Hinggil ito sa kanyang video na ipinalabas sa United Nations nitong weekend. Inuudyok ang mga tao para magalit sa administrasyon. Nagbanggit ng mga numero ng umano’y extrajudicial killings hindi naman tama at hindi kumpirmado sa PNP.  

 Tatlong linggo ko ng tinatalakay sa BITAG Live, bahagi ito ng kanilang template o ‘yung des­tabilization plot laban kay President Duterte.  

 Pero hindi gamit ang puwersa ng mga pulis at militar. Kundi paggamit ng kanilang katalinuhan, taktika at mga estratehiya. Magpapasabog ng isyu para magdulot ng kawalang-katiyakan, pagdududa at kalituhan sa tao.

 Naturalmente, hindi ito aaminin ng mga dilaw. Akala siguro nila bobo at hindi nag-aanalisa ang mga Pilipino kaya dinala na nila ang kanilang agenda sa international community.   

 VP Leni, atat na atat at TL (tulo-laway) ka na bang pumalit kay President Duterte sa Malacañang? Masyado kang halata!  

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa mga palabas ng BMUI, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.  

 

 

Show comments