Sa lahat nang empleyado

Sa lahat ng saglit at tuwi-tuwina

Mga empleyado’y dapat na masaya

At kung naglilingkod sa lahat lahat na

Dapat nakangiti laging nakatawa!

 

Ipinag-uutos sa bayan at lunsod

Wastong panununtunan ang dapat masunod;

Lahat ng kawani ay dapat maglingkod

Magpakitang giliw, huwara’t masinop!

 

Tumawa ka lamang kahit may problema

Tiyak problema mo’y agad mawawala;

Pag sumisimangot ka’y ikaw ang kawawa

Pagka’t maghapon mo’y masamang-masama!

Show comments