Anak ng anak ko

Mula nang isilang hanggang isang taon,

Ala-alaga ko saanman paroon;

Kay likot na “baby” na patalun-talon

Kung wala ang ina -- ako ang may kandong!

 

Habang lumalaki’y lalong bumibigat

Dati’y nasa bisig ngayo’y sa balikat

Kapagka umihi kasabay ng iyak

Nakatutuliro habang pumapadyak!

 

Anak ng anak ko apo kung turingan

Habang lumalaki ay kalibang-libang;

Umiyak, umuha kapag nasa duyan

Na sa mundong ito’y aliw ng magulang!

Show comments