10 ‘Romance Killers’

ANG ibig sabihin ng “romance killers” ay mga pagkaing humahadlang upang ganahan ang isang tao na makipag-loving, loving sa kanyang partner. Puwede rin silang tawaging anti-aphrodisiac foods.

1. Artificial sweeteners. Ito ay nagtataglay ng aspartame na nagbibigay ng problema sa iyong happy hormone or serotonin. Ang serotonin ang dahilan kaya nagiging aktibo ang iyong libido.

2. Cornflakes. Alam n’yo bang inimbento ni Dr. John Harvey Kellog ang Kellog’s corn flakes para bumaba ang sex drive ng mga tao?

3. Cheese at iba pang dairy products. Hindi na natural ang ingredients ng mga keso at iba pang dairy products na nasa pamilihan ngayon. Ang sobrang pagkain ng high-fat dairy pro-ducts kagaya ng cheese ay nagdudulot ng toxins na hahadlang sa paglikha ng oestrogen, progesterone at testosterone—ang mga mood uplifting hormones para magkaroon ng gana sa sex ang isang tao.

4. Crispy Chips. Ang mga chips ay niluluto sa fat at high temperature na sumisira sa mood for love.

5. Kape. Ang kape sa umaga ay nagdudulot ng happy mood ngunit kapag sobra na ang caffeine na pumasok sa iyong katawan, ito ay nagdudulot ng stress hormone kagaya ng cortisol.

6. Soy Beans at Soy Products. Maganda sanang panghalili sa karne pero ang soy beans ay nagtataglay ng phytoestrogen na kontrabida sa male sex hormones. Nakakaapekto ito sa fertility ng mga kalalakihan, nagpapalaki ng male breast at dahilan ng body hair lost.

7. Carbonated Drinks. Hindi lang pala sa health perwisyo ang mga inuming ito kundi sa libido level.

8. Mint. Mint sa bubble gum o sa ano pa man produkto ay nagpapababa ng sex drive dahil sa taglay nitong menthol.

9. Alak. Nagdudulot ito ng chemical reaction sa ating katawan upang humina ang paglikha ng testosterone.

10. Fried and Junk Food. Ang French fries at hamburger ay nagkaroon ng hydrogenated fats matapos lutuin na nagpapababa ng testosterone level. Ang isa pang epekto low quality at abnormal sperm production sa mga kalalakihan.

 

 

Show comments