10 Commandments ng ‘Winner’

Laging umasa na mananalo ka.

Iwasang magkaroon ng alinlangan na mananalo ka. Kung hindi maiwasang mag-alinlangan, huwag kang magpahalata.

Huwag titigil sa pagsasanay kahit punung-puno na ng medalya ang iyong bahay. Puwede ka pang maging “better” kahit ikaw na ang “the best”.

Magbihis at umasta na tila isang winner. Nakakatulong ito para manatili ang positibong pananaw.

Bumarkada sa mga “winners” na kagaya mo. Mas magkakaunawaan kayo dahil pareho kayo ng sitwasyon.

O, kung nagsisimula ka pang lang at hindi ka pa nagtatagumpay, sa “winners” ka pa rin bumarkada. Nakakahawa ang tagumpay.

Huwag ilalagay sa utak ang pagiging “winner” nang sa ganoon ay mananatiling nakayapak sa lupa ang iyong mga paa.

Bigyan ang sarili ng pagkakataong gawin ang kinahihiligang gawin. Hindi masamang i-spoil ang sarili paminsan-minsan.

Kung nasa itaas ka na, tumulong sa mga nagsisimula pa lamang. May tumulong din sa iyo noong nagsisimula ka lamang. Ngayon ang pagkakataong magbayad ng utang na loob.

Laging manalangin at magpasalamat.

Show comments