1. Si Jonas Salk ang imbentor ng polio vaccine noong 1955. Kung ipapapatente (patent) niya ang kanyang imbensiyon, siya ay kikita ng 7 billion dollars. Ngunit hindi niya ito ginawa upang maibenta ang kanyang imbensiyon sa mababang halaga. Nais ni Salk na mapakinabangan ang polio vaccine ng kahit pinakamahirap na bata sa buong mundo.
2. Nanalo ng $40 million sa Lottomax jackpot si Tom Crist ng Calgary, Alberta Canada. Sa halip na gamitin sa pagpapasarap ang napanalunan, buong-buo niya itong ipinamigay sa cancer charities. Ang kanyang misis ay namatay sa cancer dalawang taon na ang nakakaraan.
3. Isang grupo ng mga kababaihan mula sa squatters area sa Uganda ang nagsakripisyong umekstra sa gilingan ng bato (manual na dinudurog ang malalaking bato) upang may maibigay na donasyon sa biktima ng Hurricane Katrina. Nakaipon sila ng $1,000.
4. Ang 98 taong gulang na lalaking homeless na taga-Bulgaria ay naglalakad araw-araw ng more or less 25 kilometers upang mamalimos. Ang naipon niya mula sa napalimusan ay 40,000 euros. Hinati niya ang pera para ibigay sa monasteryo, simbahan at bahay ampunan.
5. Si St. Maximillian Kolbe ay isa sa libo-libong prisoner of war ng Germany sa Auschwitz concentration camp noong World War II. Isang araw ay ilang preso ang nakatakas. Bilang parusa, pumili sila ng 10 preso na papatayin sa gutom. Isa si Franciszek Gajowniczek sa sampung napili. Bigla itong nag-iyak habang isinisigaw ang pangalan ng anak at asawa. Sa sobrang pagkaawa, nagprisinta si Saint Kolbe na siya na lang ang papalit kay Franciszek. Hindi nasayang ang kanyang pagsasakripisyo dahil nabuhay si Franciszek hanggang 90 taong gulang kapiling ang kanyang asawa’t mga anak.