Kawalan ng disiplina sa PNP

NAKAKAHIYA at maituturing na only in the philippines  ang ginawa ng Philippine National Police (PNP) na selyuhan ang baril ng kanilang mga miyembro.

Ito ay upang matiyak na walang masasangkot sa indiscriminate firing O walang habas na pagpapaputok ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Senyales ito ng kawalan ng disiplina sa mga pulis dahil hindi pa sapat ang pagsabihan ang mga ito na huwag magpaputok ng baril.

Alam naman ng mga pulis at iba pang sibilyan na bawal iputok ang baril sa pagsalubong sa Bagong Taon dahil mapanganib ito sa iba na tamaan ng ligaw na bala.

May batas na laban sa walang habas na pagpapaputok ng baril ng sinuman kung kaya magsilbi na itong babala sa lahat.

Ang gawin na lang ng liderato ng PNP ay higpitan ang pagpapataw ng parusa sa kanilang mga pulis at tiyakin ang pinakamabigat na parusa at mabilis ng proseso.

Magkaroon din ng mahigpit na pagbabantay ang PNP sa mga sibilyan na maaaring magpaputok ng baril ngayong holiday season.

Samantala, sa ngayon ay napakaraming kaso ng pagpaputok ng baril ang hindi pa nalulutas ang kaso at hindi napapanagot ang mga salarin.

Kung talagang disiplinado naman ang mga pulis at maging mga sundalo ay isang kalatas ng kautusan lang at sapat na sa mga ito upang walang masangkot sa indiscriminate firing dahil isa itong kasong kriminal na may katapat na mabigat na parusa lalo pat kung ito ay makakapatay sa

Show comments